Matagumpay na naisakutaparan ang isinagawang Groundbreaking Ceremony of the Housing and Resettlement Project for Camp Abubakar sa Camp Abubakar, Brgy Tugaig, Barira, Maguindanao del Norte nito lamang ika-19 ng Disyembre 2024.

Ito ay pinangunahan ni Kgg. Secretary Carlito G. Galvez ng OPAPRU kasama si Engr. Al-Khwanrizmu U. Imdana, Regional Manager ng NHA IX; mga alkalde ng naturang lugar at mga personahe ng Maguindano del Norte PNP.

Bilang bahagi ng mas malawak na mga hakbang ng gobyerno para sa kapayapaan at rehabilitasyon, ang seremonya ay nagsilbing simula ng isang proyekto na hindi lamang magbigay tahanan kundi magbubukas din ng mga oportunidad para sa kabuhayan at pag-unlad ng komunidad.

Nilalayon ng proyektong ito na magtaguyod ng kapayapaan at katatagan, bigyan ang mga residente ng mas maginhawang pamumuhay.

Inaasahang makikinabang ang libu-libong pamilya mula sa proyektong ito, upang mapanatili ang pag-unlad ng Maguindanao del Norte at n rehiyon ng BARMM.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *