Pormal ng ipinagkaloob ng National Irrigation Administration (NIA) ang Php184,000,000 halaga ng Kidama Irrigation Project para sa Kidama Communal Irrigators Association, Inc. o KCIAI sa ginanap na turn-over ceremony sa bayan ng Matalam nito lamang ika-28 ng Abril 2024.
Layunin ng nasabing proyekto na makapagsuplay ng tubig sa sakahan ng mga “farmer beneficiaries” ng KCIAI kung saan nakapaloob sa irrigation project ang konstruksyon ng diversion dam, 30 units canal structures, 6,049.3 meters rectangular canal lining at 6,346.4 meters earth canal.
Ang proyekto ay malaki ang maitutulong upang mapanatili ang magandang kalidad ng mga produktong agrikultura sa naturang bayan upang mapaunlad ang pamumuhay ng mamamayan.