Namahagi ng tulong ang Lokal na Pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte sa tatlong pamilya na nasunugan sa Barangay Taviran Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong ika-11 ng Mayo 2024.
Pinangunahan ni LGU Datu Odin Sinsuat MDRRMO Monesa Ayao Sale ang pamamahagi ng food packs, family kits, hygiene kits at sleeping kits sa mga nasunugan.
Umabot sa mahigit Php150,000 pesos ang halaga ng mga ari-arian ang napinsala ng sunog sa naturang lugar.
Nagsasagawa pa ngayon ng follow-up investigation ang BFP Maguindanao upang matukoy ang dahilan at pinagmulan ng sunog.