Aabot sa mahigit kumulang 200 indibidwal ang nakiisa sa isinagawang Serbisyong Iliganon ng mga miyembro ng lokal na pamahalaan ng Iligan sa Barangay Pugaan, Iligan City nitong ika-14 ng Mayo 2024.

Nakiisa din ang mga tauhan ng Iligan City Police Office sa pangangasiwa ni Police Colonel Reinante Delos Santos, katuwang ang Philippine Statistic Authority 10, City Health Office, Veterinarian Office, Department of Labor and Employment, Technical Education and Skills Development Authority, stakeholders, force multipliers at Advocacy Support Groups.

Handog ng programa ang libreng dental at medical check-up, at pamimigay ng mga gamot.

Namigay din ng libreng food packs, massage, at libreng gupit sa isinagawang aktibidad.

Labis ang pasasalamat ng 200 indibidwal sa kanilang tulong na natanggap mula sa pamahalaan.

Bunga ito ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang matulungan ang mamamayan na nasa laylayan tungo sa isang Bagong Pilinpinas.

Panulat ni Edwin Baris

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *