Matagumpay na nagtapos ang 85th Regular Session ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Digos nito lamang ika-13 ng Mayo 2024.
Makahulugan na maituturing ang naturang pagtitipon sapagkat pormal ditong ipinahayag ng 8th City Council na naaprubahan na ang resolusyon kung saan ay maaaring makipagtulungan si Digos City Mayor Josef Cagas at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang kagustuhang ito ni Honorable Josef Cagas ay alinsunod sa layuning makipagtulungan sa pambansang ahensya upang protektahan ang Mt. Apo Natural Park at iba pang protected areas. Inaasahan na 50 Park Rangers ang pakikilusin upang magsilbing supplemental guards.