Tuluyang sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) nito lamang ika-13 ng Mayo 2024 dahil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra insurhensiya ng mga tauhan ng mga kapulisan ng 2nd Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company katuwang ang San Miguel MPS, San Pablo MPS, Guipos MPS, Tigbao MPS, Tabina MPS, Lapuyan MPS, ZSPIT RIU 9, 902nd MC RMFB 9 at ZSPIU.
Kinilala ni Police Major Bernard P Talitayan ang sumuko na isang lalake, 26 taong gulang, at residente ng Purok 2, Barangay Dumalian, San Miguel, Zamboanga del Sur na miyembro ng NPA Hingpit na Organisadong Masa/ Bario Revolutionary Committee HOM/BRC sa ilalim ng GF KARA, WMPRC at miyembro ng Salabukan No’k G’taw Subanen (SGS), isang Communist Affiliated Mass Organization (CAMO) sa Indigenous People (IP) sector sa ilalim ng UGMO Revolutionary Organization of Lumad (ROL) ng Regional Urban Committee RUC, WMRPC isang left leaning organization ng CTG.
Patuloy naman ang paghikayat ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko na at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan silang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.
Panulat ni JM