Dalawang menor de edad ang sugatan matapos pagsasaksakin ng sariling ama sa loob mismo ng kanilang pamamahay sa Barangay Magsaysay, Parang, Maguindanao del Norte bandang 11:30 ng gabi noong ika-12 ng Mayo 2024.

Kinilala ang dalawang biktima na sina Asrap, 9 at si Bai, 14 habang kinilala ang amang suspek na si Adjis, 35 anyos at isa umanong manggagawa.

Ayon sa ulat, lulong umano sa alak at ilegal na droga ang suspek nang bigla na lamang nitong pagsasaksakin ang dalawang anak gamit ang matulis na kutsilyo.

Agad naman na naisugod ang dalawang bata sa Iranun District Hospital para sa paunang lunas, habang ang suspek ay dinala sa kustodiya ng Parang MPS para sa disposisyon at tamang dokumentasyon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *