Ipinagdiwang ang International Candlelight Memorial 2024 sa Energy Park, Tagum City, Davao Del Norte nito lamang ika-13 ng Mayo 2024.
Ang pagtitipon na ito na may temang “Put People First: Kandila ng Pagkalinga, Liwanag ng Pag-asa” ay handog sa mga taong nakikipaglaban sa HIV/AIDS.
Binuo ang programa ng palibreng HIV Testing, pinning of ribbons, candlelighting at pagpapakawala ng mga lobo kaya’t maituturing ito na isang makahulugang kaganapan.
Dagdag pa, ang pagdalo at pakikiisa ng Provincial Health Office, City Health Office, Davao Regional Medical Center, Pilipinas Shell Foundation Inc., Tagum City Council of Women Foundation Inc., at City Mayor’s Office ay nagpapatunay sa walang-sawang suporta ng lungsod ng Tagum at pribadong sektor sa kalusugan ng bawat Taguminyo.