Sugatan ang tatlong katao matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang pick-up truck nito lamang Martes, ika-14 ng Mayo 2024, sa Sitio Budakan, Barangay Nituan, Parang, Maguindanao del Norte.
Kinilala ang drayber ng pick-up truck na si Samra Ampaso Mindalano, 34 anyos habang ang dalawang sakay naman nito ay sina Noraida Gopuntao Ampaso, 37 anyos, at si Tihame Dilinogun Noor, 48 anyos na pawang mga residente ng Marawi City, Lanao del Sur.
Sa inisyal na imbestigasyon, habang binabaybay ng tatlo ang National Highway sakay ng Nissan Navara mula Marawi City patungong Cotabato City, bigla umanong nawalan ng kontrol ang drayber na naging dahilan ng pagkahulog nito sa bangin.
Agad namang naisugod sa Iranun District Hospital ang tatlo para sa paunang lunas habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang aksidente.