Nagsagawa ng libreng Physical Therapy ang Lokal na Pamahalaan ng Cotabato para sa ilang kababayang PWDs sa Midsayap, Cotabato nito lamang ika-14 ng Mayo 2024.

Pinangunahan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa ilalim ng liderato ni Department Head Dr. Eva C. Rabaya ang pagsagawa ng libreng “physical therapy” at “needs assessment” sa mga Cotabateñong napapabilang sa nabanggit na sektor.

Kabilang sa sektor na ito ang Persons With Disability o PWDs sa lalawigan na binibigyang prayoridad at pansin ng gobernadora na nangunguna sa pagsusulong ng kanilang karapatan sa lipunan upang makapamuhay ng normal sa kabila ng kanilang mga kapansanan.

Isa sa mga tinungo ng grupo ay ang Barangay Villarica, Midsayap kung saan may limang (5) pasyente ang nakabenepisyo sa isinagawang konsultasyon at “physical therapy” ng IPHO.

Nagkaroon din ng oryentasyon para sa mga “caregivers” ng mga ito kung saan tinalakay ang “home treatment” at “basic exercises” na maaaring gawin ng mga nangangalaga sa mga pasyente.

Layunin nito na ipadama ang malasakit ng pamahalaan at mabigyan ng tulong ang mga nangangailangan na PWDs sa kanilang pangkalusugan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *