Biyaya kung maituturing ng mahigit kumulang 200 indibidwal ang serbisyong handog ng lokal na pamahalaan ng Iligan City sa Barangay San Miguel, Iligan City nitong umaga ng ika-16 ng Mayo 2024.

Nakilahok din ang mga tauhan ng Iligan City Police Office kung saan nagbigay ng libreng food packs, libreng tuli, at gupit.

Maging ang mga miyembro ng Philippine Statistic Authority, Department of Social and Welfare and Development, Philippine Army, Special Action Force, Barangay Health Worker, force multiplier at mga stakeholders ay nakilahok sa nasabing aktibidad.

Namigay din sila ng libreng eye glasses, libreng bakuna para sa mga alagang hayop, at bloodletting letting activity.

Sa pagsasama-sama ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo sa komunidad, nag-iwan ng ngiti ang mga ito sa mga labi ng mamamayan bilang pasasalamat sa kanilang mabubuting puso.

Panulat ni Edwin Baris

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *