Pinangunahan ng Department of Agriculture XI ang pamimigay ng Hybrid Rice Seeds Vouchers alinsunod sa kanilang Rice Program nito lamang ika-14 hanggang ika-15 ng Mayo 2024 sa Barangay Igpit at Barangay Ruparan, Digos City.

Naging benepisyaryo sa pagkakataong ito ang mga 846 na magsasaka ng Digos na miyembro rin ng San Agustin Ruparan Barangay Irrigation Development Association o di kaya naman ay Matti Irrigators Service Association Incorporated, San Miguel Irrigators Association, United Sinayawan, San Isidro Rice and Vegetable Rice Farmers Association, Colorado Rice Farmers Association, Santo Tomas San Vicente Igpit Irrigators Farmers Association at Igpit Communal Irrigators Farmers Association.

Kabilang din sa mga dumalo ang aktibong Mayor ng Lungsod ng Digos na si Honorable Josef F. Cagas, DA 11Director Macaroo Gonzaga, DA 11 Rice Program Focal Evelyn Basa, Provincial Agriculturist Raul Fueconcillo, Asst. Municipal Agriculturist Arnold Kasilak, City Councilor Hon. Salvador Dumugho III, mga opisyal ng mga barangay at mga kinatawan ng iba’t ibang pribadong sektor.

Aabot sa 5.36 Million halaga ng seed vouchers ang inilaan ng Department of Agriculture XI para sa lungsod ng Digos upang sakupin ang 1,073 hectares na lupain. Dagdag pa ni Mayor Cagas aasahan din na sa susunod na taon ay magbabahagi din ang lungsod ng Fertilizer Assistance.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *