Nagsagawa ng “Integrated Health Awareness Program” ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ngayong araw sa 100 na mga kabataan mula sa iba’t ibang barangay at paaralan sa bayan ng Pigcawayan, Cotabato nito lamang ika-15 ng Mayo 2024.

Binibigyang prayoridad ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang pagkakaroon ng mga programang magsusulong ng magandang kinabukasan ng mga kabataang Cotabateño sa pamamagitan ng pagbibigay ng napapanahon at angkop na impormasyon na makaaapekto sa kanila tungo sa pagtahak ng tamang landas upang maabot ang mga hangarin sa buhay.

Sa nabanggit na aktibidad na pinangasiwaan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), nagkaroon ng malalimang talakayan hinggil sa mga suliraning kinakaharap ng kasalukuyang henerasyon tulad ng teenage pregnancy, pagkakaroon ng Sexually Transmitted Infection (STI), Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) at kaalaman sa pangangalaga ng “oral health“ at iba pang “health issues” na mahalagang mabigyan ng kaukulang pansin sa kasalukuyang panahon.

Bukod sa dagdag na kaalaman, namahagi din ng “adolescent kit” ang tanggapan para sa mga kalahok ng nasabing aktibidad.

Layunin din nito na maimulat ang kaisipan ng mga kabataan hinggil sa mga nabanggit na suliraning posible nilang kaharapin dahil sa kakulangan sa wastong kaalaman.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *