Matagumpay na naisakatuparan ng Ministry of Human Settlements and Development – BARMM ang isinagawang Turn-over Ceremony ng 50 Housing Units sa Barangay Banubu Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte noong ika-15 ng Mayo 2024.

Pinangunahan ni MHSD-BARMM Director General Esmael W. Ebrahim ang naturang seremonya kasama si Senior Minister Von Alhaq Maslamama, Atty. Marvin Mokamad, MP Suharto Esmael at iba pang mga opisyal.

Sa mensahe ni DG Esmael Ebrahim, dapat alagaan ng mga benepisyaryo ang magandang bahay na handog ng Bangsamoro Government kung saan bawal din itong ipagbenta.

Lubos ang kasiyahan ng 50 pamilya ng dating mga MILF combatants sa natanggap nilang tulong pabahay mula sa programa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *