Boluntaryong nagbalik-loob ang dalawang mga tagasuporta ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Leon Postigo, Zamboanga del Norte nito lamang ika-15 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Major Anjelo Am D Acuzar, Chief of Police ng Leon Postigo Municipal Police Station, ang mga nagbalik-loob na sina alyas “Onie”, 36, may asawa, residente ng Barangay Titik, Leon Postigo, Zamboanga del Norte at si alyas “Berto”, 42, residente ng Barangay Nasibac, Leon Postigo Zamboanga del Norte at kapwa mga supporters ng Dismantled GF FLEX A, WMRPC.
Ang mga sumukong miyembro ay nanumpa sa kanilang mga karapatan kung saan saksi si Justino Murcia, Barangay Council sa naturang barangay.
Dahil dito, hinimok pa ng ating kapulisan ang mga natitirang miyembro ng CTG na sumuko at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan silang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya tungo sa maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat JM