Hindi masukat ang naging pasasalamat ng 1,400 na residente ng Barangay Visayan sa Tagum City nang sila ay makatanggap ng sako-sakong bigas at grocery items mula sa lungsod nito lamang Mayo 16, 2024.
Personal na dumalo sa kaganapang ito ang Mayor ng lungsod na si Honorable Rey T. Uy na kilala na sa pagiging aktibo at mapagkumbaba nito.
Dagdag pa, layunin ng programang ito na patuloy na suportahan ang mga residente sa kanilang pangangailangan.
Kung kaya naman ay matatandaan na hindi ito ang unang beses na isinagawa ang aktibidad na ito.
Ang lungsod ay walang-sawang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang pampublikong opisina at pribadong sektor hindi lamang sa loob ng lungsod kung hindi pati na rin sa mga kalapit lungsod at pambansang ahensya.