Sinimulan ngayong araw ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa loob ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa pitong (7) payout venues dito sa rehiyon ng Caraga, nito lamang Mayo 18, 2024.
Ang AKAP, isa sa mga bagong programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kung saan ang mga indibidwal na itinuturing na “near poor” ay tumatanggap ng tulong mula sa opisina.
Ang mga benepisyaryo ay ang mga low income na minimum wage earners, o mga indibidwal na may trabaho ngunit hindi lalampas sa minimum wage na itinakda ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB).
Ang DSWD Field Office Caraga ay patuloy na nagsagawa ng sabay-sabay na pagbabayad sa mga lugar ng Butuan City (Agusan National High School – para sa mga residente ng Butuan City; Agusan del Norte Gym – para sa mga residente ng Carmen, Nasipit, at Buenavista, ADN) , Surigao City, Socorro, Surigao del Norte, Tandag City, Bislig City, at San Jose, Province of Dinagat Islands.