Nagbigau si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ng Php50,000 na libreng accident insurance coverage sa lahat ng job orders at locally-hired personnel sa bawat regional office, kabilang ang bigas para sa lahat ng empleyado, bilang bahagi ng 51st founding anniversary ng DOT nito lamang Mayo 17, 2024.
Ang anunsyo ay ginawa sa 1st Regional Directors’ Meeting noong 2024 na dinaluhan mismo ni Secretary Frasco, kasama ang Undersecretary for Tourism Regulation, Coordination, and Resource Generation (TRCRG) at OIC-Chief of Staff Shahlimar Tamano, bukod sa iba pang opisyal ng ahensya.
Ang nasabing insurance at rice assistance ay personal na pinondohan ng kalihim bilang pasasalamat sa pagsusumikap ng lahat ng tauhan ng ahensya, anuman ang trabaho, sa nakalipas na dalawang taon ng kasalukuyang administrasyon.
Ang DOT Caraga Region, sa pangunguna ni Regional Director Ivonnie B. Dumadag, ay nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa maalalahanin na kilos ni Secretary Frasco na nagpapatingkad sa kanyang pagkilala sa lahat ng empleyado ng departamento.