Namahagi ng higit Php14.9M na halaga ng pension para sa mga Senior Citizens ng Mlang, Cotabato nito lamang ika-18 ng Mayo 2024.
Nanguna sa nasabing aktibidad ang Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office.
Ang naturang ayuda ay sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamumuno ni Secretary Rex Gatchalian.
Umabot sa 2,491 na Senior Citizens ang naging benepisyaryo at tumanggap ng ayuda. Labing-tatlong (13) mga barangay ng Mlang ang nakatanggap ng tulong-pinansyal na Php6,000 bawat isa. Ito ay may katumbas na alokasyon na Php14,946,000 na sakop mula buwan ng Enero hanggang Hunyo ng taong 2024.
Ang naturang pondo ay bahagi ng kabuuang Php46,014,000 na halaga ng pensyon na inilaan para sa 7,669 na kwalipikadong mga benepisyaryo sa nasabing bayan. Ito ay nagmula sa pamahalaang nasyonal sa ilalim ng pamunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Lubos na pinasasalamatan naman ng mga Senior Citizens ng CotabateƱo ang pamahalaan sa walang humpay na pagtulong sa mga nakakatanda.