Pinagplanuhan na ngayon ni Mayor Rolando “Klarex” Uy ang pagpapatayo ng silid-aklatan sa loob ng Cagayan de Oro City Jail sa Barangay Lumbia nitong Mayo 18, 2024.
Ibinunyag ni Patrick Gabutin, Hapsay Buhay Project Head, na ang proyektong ito ang kauna-unahang library na itatayo sa loob ng city jail sa buong Northern Mindanao na inisyatibo ng Alkalde ng lungsod.
Sa katunayan, nagsagawa ng survey ang mga tauhan ng City Library sa mga PDL sa mga opisyal ng Bureau of Jail Management & Penology-Male Dorm para malaman kung anong mga libro ang kanilang kailangan.
Bilang paghahanda, nagsagawa ng site inspection at declogging ang Hapsay Buhay Team sa drainage system sa loob ng city jail.
Malaki ang maitutulong ng proyektong ito sa mga PDL para maging produktibo at mabigyan ng karagdagang kaalaman habang nasa loob ng nasabing pasilidad.
Panulat ni Rheame Sanchez