Nakiisa ang mga tauhan ng LGU Tacurong sa Bloodletting Activity na isinagawa ng Philippine Red Cross sa Tacurong City and Cultural Center nito lamang ika-19 ng Mayo 2024.
Ang Bloodletting Activity ay pinangunahan ng Philippine Red Cross at JCI Tacurong Kampilan sa pakikipagtulungan ng LGU Tacurong.
Kabilang sa mga nag-donate ng dugo ay ang mga tauhan ng iba’t ibang Men in Uniform at mga empleyado ng Tacurong LGU.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayon na makatulong upang matiyak na ang mga stock ng dugo ay nananatiling sapat para sa mamamayan ng Tacurong.
Patunay lamang ito na ang mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay handang tumulong at maglingkod sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanilang dugo upang mabigyan ng pag-asa at dugtungan ang buhay ng mga nangangailangan.