Ibinigay ng DA-Caraga Livestock Program ang Php10M na halaga ng 3rd Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) project sa patuloy na pagsisikap nitong buhayin ang industriya ng baboy dahil sa African Swine Fever sa Barangay Agong-ong Active Farmers Association Incorporated, Buenavista, Agusan del Norte nito lamang Mayo 16, 2024.

Kasama sa Php10M project component ang Biosecured facility, kasama ang perimeter fence, biogas, shower room, feed storage, 300 heads weanlings, feeds at iba pang zoological supplies.

Pinaalalahanan ni DA-Caraga Farmer-Director Christopher H. Lindo, na siya ring Regional Agriculture and Fishery Council (RAFC) Chairperson na kumakatawan kay DA-Caraga Regional Executive Director Arlan M. Mangelen, sa tatanggap na mahigpit na ipatupad ang biosecurity measures upang matiyak ang isang disease-free hogs.

Ang INSPIRE ay ang recovery at repopulation program ng DA para sa sektor ng baboy, na direktang tumutugon sa mga pangangailangan ng industriya sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga swine farm at pasilidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *