Humigit kumulang 2,000 pabahay ang pinagkaloob ng Bangsamoro Government sa 159 na mga pamilya sa Lamitan City noong ika-18 ng Mayo 2024.

Ang two-bedroom housing units ay ipinagkaloob sa mga indigent beneficiaries bilang bahagi ng Kapayapaan sa Pamayanan o “KAPYANAN” program na isa sa mga banner programs ng Office of the Chief Minister at pinamumunuan ni Deputy Senior Minister Dong Cusain.

Katuwang ng Bangsamoro government sa implementasyon ng naturang proyekto ang Ministry of Public Works.

Layunin ng kanilang programa na mabigyan ng disenteng tirahan ang mga ‘poorest of the poor’ na mga mamamayang Bangsamoro.

Sa pamamagitan din nito, mapapataas ang antas ng pamumuhay ng bawat mahihirap na mamamayan sa rehiyon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *