Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong ika-20 ng Mayo 2024.
Kinilala ang biktima na si Ali Kutin Kadulong, 44 anyos na residente ng Bunkhouse Site, Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Batay sa impormasyon, sakay ng pampasaherong payong-payong tricycle ang biktima nang bigla itong nabaril ng hindi pa tukoy na suspek.
Nagkaroon ng malubhang tama sa katawan ang biktima dahilan kung bakit ito idineklarang dead on arrival ng mga attending physician.
Caliber 45 pistol ang ginamit sa pamamaril base na rin sa basyo ng bala na narekober sa crime scene.
Inaalam pa ang motibo at kung sino ang salarin sa naturang krimen.