Ipinagdiriwang ang People’s Day sa pangunguna ni Mayor Klarex Uy sa City Tourism Hall, Cagayan de Oro City nito lamang ika-21 ng Mayo 2024.
Maraming tao ang dumagsa sa nasabing lugar upang makiisa sa isinagawang aktibidad.
“Personal kong haharapin, pakikinggan at aaksyunan ang iba’t ibang reklamo o problemang idinulog sa akin ng ilang tao sa People’s Day sa Cityhall”, ayon kay Mayor Klarex Uy.
Ang inisyatiba na ito ay naglalayong magbigay ng daan para sa mga mamamayan na maipahayag ang kanilang mga alalahanin at reklamo nang direkta sa Alkalde.
Panulat ni Molinos