Masayang ipinagdiwang ang graduation at moving-up ceremony ng 14 na Former Rebels nito lamang ika-20 ng Mayo 2024 sa Barangay Malabog Hall, Paquibato District, Davao City.
Ang mga dating rebelde na ito ay sumailalim sa Alternative Learning System (ALS) na naging posible lamang sa pagtutulungan ng Peace 911, Department of Education at Davao City Police Office.
Hindi maipagkakaila ang sayang makikita sa mga mata at labi ng pamilyang dumalo sa makabuluhang kaganapang ito.
Kung kaya naman ay hindi rin nagpahuli sa seremonyang ito si Peace 911 Focal Person Atty. Jonah Margarette F. Presto, ang kinatawan ng Department of Education Division-ALS, representante ng Manambulan Central Elementary School, Barangay Captain Jesselito Areja at Paquibato Police Station Station Commander Police Major Jack Tilcag.
Ang kaganapang ito ay patunay sa walang-sawang pagsisikap ng Lungsod ng Davao na mabigyan ng magandang buhay ang bawat DavaoeƱos.