Mamamahagi ng food packs distribution ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development sa Tacurong City Cultural and Sport Center nito lamang ika-21 ng Mayo 2024.
Kabilang sa listahan ng mga tatanggap ay ang Day Care Workers, Barangay Health Workers at Nutrition Scholars, Job-Order personnel ng LGU, Green Warriors, City of Goodwill Gardeners, Barangay Patrol Team, at Special CAFGU Active Auxiliary.
Ayon kay PESO Manager Allan S. Freno, ang mga benepisyaryo na ito ay kabilang sa informal sector. Ibig sabihin ay mababa ang minimum wage, kulang sa social benefits, at walang security of tenure.
Lubos naman ang mga pasasalamat ng mga naging benepisyaryo ng DSWD. Tiniyak din na ang mga benepisyaryo ay makakakuha pa ng karagdagang tulong kung kinakailangan.