Nagbigay ng libreng training ang tanggapan ng Smart at PLDT sa mga Meranaw Micro, Small, and Medium Enterprises sa Marawi City noong ika-20 ng Mayo 2024.

Pinangunahan ng Provincial Government ng Lanao del Sur ang pakikipagsosyo sa Smart Communications, Inc. at PLDT upang mabigyan ng E-commerce trainings ang mga Meranaw-MSMEs.

Tampok sa nasabing aktibidad ang mga pamamaraan ng paggawa ng brand at paggawa ng content na makakatulong upang i-promote ang kanilang mga produkto.

Ibinida din ang talakayan tungkol sa 4Ps o Product, Price, Place, and Promotions na makakatulong sa pagsisimula ng mga MSMEs ng kanilang content sa Social Media gamit ang Tiktok at Facebook.

Layunin ng aktibidad na ito ang makapagbigay tulong sa ating mamamayan gamit ang teknolohiya upang mas mapagaan ang kanilang paghahanap-buhay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *