Walang tigil ang pagbibigay tulong ng Local Government Unit ng Iligan City sa isinagawang Serbisyong Iliganon sa Barangay Santiago, Iligan City nitong Mayo 21, 2024.
Ang naturang programa ay aktibong nilahukan ng City Health Office, Bureau of Fire Protection, PSA, Task Force Iligan, City Agriculture Office, City Information Office, PhilHealth, City Engineers Office, Social Security System, City Veterinarian’s Office at iba’t ibang mga Advocacy Support Groups.
Aktibo ring nakilahok ang mga miyembro ng Iligan City Police Office na nag-alok ng libreng tuli.
Mahigit 200 benepisyaryo ang nabigyan ng tulong tulad ng serbisyong pangkalusugan, edukasyon, libreng gamot, livelihood, legal assistance, at iba pang pangunahing pangangailangan para makatulong sa mga residente.
Layunin ng aktibidad na ito ang ipadama ang suporta at malasakit sa lubos na nangangailangan ng kanilang nasasakupan.
Panulat ni Sanchez