Nagsagawa ng “Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol (MELLPI Pro) ang LGU Cotabato sa iba’t ibang bayan sa probinsya nito lamang ika-20 ng Mayo 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinangangasiwaan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) kung saan isinailalim ang mga bayan ng Matalam, Midsayap, Mlang, Tulunan, Alamada, Arakan, Carmen at lungsod ng Kidapawan sa naturang aktibidad.

Ang taunang “monitoring at evaluation” ay isinasagawa sa layuning masuri ang episyenteng pagpaplano at pagpapatupad ng mga lokal na pamahalaan partikular na ng Municipal and Barangay Nutrition Committee, Municipal Nutrition Action Officers at Barangay Nutrition Scholars ng mga programang may kinalaman sa pagpapaunlad ng antas ng nutrisyon sa mga komunidad.

Naging daan din ito upang tiyakin ang maayos na pagganap ng mga “nutrition workers” ng kanilang mga tungkulin bilang “frontliners” sa pagbibigay ng mga “nutrition services” sa mamamayan.

Layunin nito na matalakay at mamonitor ang kalusugan at nutrisyon na tulay upang makamit ang malusog at maunlad na pamayanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *