Matagumpay na naisagawa ng Office of Civil Defense Caraga, sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit ng Sibagat, Agusan del Sur, ang Integrated Planning Course on Incident Command System Training para sa LGU Sibagat, Agusan del Sur, na ginanap nito lamang Mayo 13–17, 2024, sa Ocean Point Beach Resort, Lawis, Lianga, Surigao del Sur.
May kabuuang dalawampu’t siyam (29) na kalahok na miyembro ng Municipal DRRM Council ng Sibagat, Agusan del Sur, ang matagumpay na nakatapos ng limang araw na IPICS Training Course.
Ang capacity-building training na ito ay bahagi ng target na Annual Plans aand Budget (APB) ng rehiyonal na opisina para sa FY 2024 sa ilalim ng mga programang Civil Defense Enhancement (CDE) sa pakikipagtulungan sa mga local government units.
Ang pagsasanay sa IPICS ay nagbibigay-daan sa mga miyembro ng Incident Management Team (IMT) na talakayin, mag-brainstorm, magplano, at magpasya sa mga aktibidad sa pagpapatakbo bago tumugon.
Bukod dito, ang pagsasanay ay naglalayong isulong ang kamalayan sa sistemang ginagamit sa pagtugon sa sakuna at bigyan ang mga nagsipagtapos ng mga kinakailangang kasanayan sa paghawak ng mga sakuna o mga planong kaganapan.