Aktibong pinangunahan ng City Economic Enterprises Office (CEEO) at City Veterinary Office (CVO) ang inspeksyon sa produktong binebenta sa Tagum City Public Market nito lamang Mayo 21, 2024.
Ang lungsod ng Tagum ay patuloy sa mga programa at proyekto na may layuning pangalagaan ang kalusugan ng bawat residente. Kaya naman matatandaang hindi ito ang unang beses ngayong taon na ito ay isinagawa.
Aabot sa 167 kilo ng karne ang hindi pumasa sa inaasahang kalidad kaya’t ito ay agad na kinumpiska. Patunay lamang ito sa pagsisikap ng lungsod sa pamumuno ni Tagum City Mayor Hon. Ret T. Uy na maibigay ang nararapat na serbisyo sa publiko.