Dahil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra insurhensiya ng mga kapulisan ng Siay Municipal Police Station ay tuluyan nang sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) nito lamang ika-21 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Captain Richard Rodolfo A Pataueg, Officer-In-Charge ng Siay Municipal Police Station, ang sumuko na isang babae, 41 anyos, at residente ng Purok 7, Tampilisan, Kabasalan, Zamboanga Sibugay na isang CTG supporter na nagseserbisyo bilang runner, katulong at tagahatid ng balita.
Ang nasabing sumukong miyembro ay walang Warrant of Arrest at pinalaya pagkatapos manumpa ng panunumbalik sa gobyerno.
Dahil rito, hinimok pa ng mga kapulisan ang mga natitirang miyembro ng NPA na sumuko at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan silang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.
Panulat ni Kaye Francisco