Nagkaroon ng pagtitipon para sa Provincial Development Council (PDC) Meeting sa Tourism Annex Building, Subangan Compound, Mati City, Davao Oriental nito lamang Mayo 21, 2024.
Ang naturang pagtitipon ay pinangunahan ni Davao Oriental Governor at PDC Chairperson Hon. NiƱo Sotero L. Uy na siya namang dinaluhan ng mga miyembro nito gaya na lamang ng kinatawan ng Davao Oriental Police Provincial Office sa pangunguna ni Provincial Director Police Colonel Julius E Silagan at iba pa.
Kabilang sa naging usapan ay ang pagkakasunduan ng PDC na Annual Investment Program (AIP) ng probinsya bilang basehan sa preparasyon sa paparating na taong 2025. Ito naman ay ipapasa pa sa Health Council para maaprubahan.
Ang AIP ay nabuo matapos ang ilang buwang konsultasyon, pagtitipon at workshops na nagkaroon ng makabuluhang resulta upang masigurado ang tunay na pangangailangan at prayoridad ng komunidad.
Dagdag pa, ang mga mahahalagang programa at proyekto ng AIP ay mapapasailalim sa 7 komite; ito ay ang Economic Development Committee, Infrastructure Development Committee, Social Development Committee, Environmental Management Committee, Peace and Order, Public Safety and Security Committee, Macro-economy and Finance Committee at Institutional Development/Development Administration Committee.