Ang Marangan Falls ay isang magandang tanawin na matatagpuan sa Marangan, Dumingag, Zamboanga del Sur. Isa ito sa mga dinadayo na tourist spots kahit na may kalayuan sa sentro ng munisipalidad ng Dumingag dahil sa kanyang natural na kagandahan at natural na lamig ng tubig na dumadaloy mula sa mga punungkahoy. Kilala sa malamig na tubig na nagbibigay ng kaginhawaan sa mga turista lalo na ngayong mainit ang panahon.

Ang kagubatan sa paligid ay nag-aalok ng masiglang mga tanawin na nakabibighani sa mga bisita. Masasaksihan dito ang natural na ragasak ng malamig na tubig, mga puno, at iba pang mga halaman.

Ang pagbisita sa falls na ito ay isang karanasang nakakawala ng pagod at nagbibigay ng pagkakataon sa mga bisita na makipag-ugnayan sa kalikasan. Mahalaga ang pagpapahalaga sa likas na yaman upang mapanatili ang kagandahan at kalidad nito.

Pwede ring magkaroon dito ng photoshoots at picnic lalo na sa mga may gustong mag-swimming. Subalit, ibayong pag-iingat ang gagawin lalo na tuwing tag-ulan dahil sa lakas ng agos ng tubig. Pinapaalalahanan ding maging responsable ang mga bisita sa kanilang mga basura at siguraduhing hindi nasisira ang kalinisan ng natural na kalikasan.

Ito ay maaaring puntahan ng mga pamilya, mga kaibigan, at solo travelers na nagnanais mag-adventure sa kalikasan. Ito ay isang perpektong destinasyon para sa mga mahilig sa outdoor activities at nature lovers.

Bilang bahagi ng Zamboanga del Sur, ang Marangan Falls ay isa sa mga pinakamatatag na atraksyon sa lalawigan. Ang pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan nito ay responsibilidad ng lahat, hindi lamang ng mga lokal na residente kundi pati na rin ng mga bumibisita na galing pa sa mga malalayong lugar.

Sa mga nais bumisita ay maaaring makipag-ugnayan sa Dumingag Tourism Office. Ang pagbisita sa mga likas na yamang tulad ng Marangan Falls ay isang paraan upang maitaas ang kamalayan sa kahalagahan ng kalikasan at pangangalaga sa likas na yaman.

Panulat ni Kaye D Francisco

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *