Pormal na ibinigay ang Catholic Relief Services na gagamitin para sa Command Center sa pamahalaang lungsod ng Cotabato City sa Palace Lobby noong ika-23 ng Mayo 2024.

Ang naturang programa ay pinangunahan ni Atty. Nes Hashim Biruar Lidasan bilang kinatawan ni Mayor Mohammad Ali “Bruce” Matabalao.

Ilan sa mga ibinahagi ay ang Computer Links, Starlink at tatlong LG LED Screen TV sa pamahalaan ng nasabing lugar.

Ito ay makakatulong sa patuloy na pagpupursige ng kasalukuyang administrasyon na masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan ng lungsod.

Ang Command Center ang siyang magsisilbing sentro ng lahat ng CCTV sa buong Cotabato City at magsisilbing instrumento upang makapagresponde agad sa panahon ng pangangailangan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *