Patay sa pamamaril ang dating Municipal Councilor ng Mamasapano Municipality sa Cotabato City pasado 11:45 ng umaga noong ika-22 ng Mayo 2024.

Kinilala ang biktima na si Bdulradzak Casid.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay isa sa mga nakatanggap ng housing project at dumalo sa isang awarding Ceremony.

Matapos ang aktibidad, naglalakad ang biktima patungo sa kanilang sasakyan nang biglang barilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa loob ng “dark grey pick-up truck” at agad na tumakas ang mga suspek.

Naisugod sa hospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay.

Labindalawang empty shells ng pinaniniwalaang 5.56 millimeter / M16 ang narekober sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Nagsasagawa na ngayon ng follow-up investigation upang matukoy ang motibo at mahuli ang mga suspek sa pamamaril.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *