Matagumpay na naisagawa ng Department of Science and Technology, Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS), sa pakikipagtulungan ng DOST Caraga, Philippine Information Agency (PIA) Caraga, at Office of Civil Defense (OCD) Caraga, ang InfoPress Seminar na ginanap sa VCDU Prince Hotel and Convention Center, Butuan City nito lamang ika-16 ng Mayo 2024.
Ang nasabing seminar ay naglalayong tiyakin ang katumpakan at pagiging angkop ng impormasyong geohazard na ipararating sa publiko na dinaluhan ng mga communicators at information officers mula sa iba’t ibang local government units at RDRRMC member agencies, DRRM officers, at media partners sa rehiyon ng Caraga.
Lumahok din sa InfoPress Seminar-Workshop on Understanding and Communicating Geologic Hazards ang Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council Chairperson (CRDRRMC) at Office of Civil Defense Caraga Regional Director Liza R. Mazo, CESO V, kasama ang mga tauhan ng OCD Caraga.
Sa pangwakas na mensahe ni OCD Regional Director, kinilala ni Mazo ang mahalagang kontribusyon ng mga opisyal ng DRRM na siyang mga unang tumugon sa kanilang komunidad. Pinuri rin niya ang kanilang pagsisikap sa pagpapalaganap ng tama at mahahalagang impormasyon sa publiko, lalo na sa panahon ng kalamidad.