Katangi-tanging maituturing ang naging selebrasyon ng Davao Oriental sa International Day for Biodiversity 2024 nito lamang Mayo 22, 2024 sapagkat ito ay kanilang ipinagdiwang sa pamamagitan ng muling pagbubukas ng Mt. Hamiguitan Natural Science Museum.

Ang re-opening ceremony ay pinangunahan ni Davao Oriental Governor Hon. NiƱo S. Uy na siya namang dinaluhan ni Regional Executive Director Atty. Ma. Mercedes Dumagan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Davao Oriental Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Julius S Silagan at hindi rin nagpahuli ang mga kinatawan ng Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Coast Guard at iba pa.

Ang Mt. Hamiguitan Natural Science Museum ay unang naitayo sa inisyatibo ng yumaong Gobernador na si Hon. Corazon Malanyaon. Sa pagkakataon namang ito ay binigyang-diin ng kasalukuyang Gobernador ang layunin ng museo na ingatan at ipagmalaki ang ating mga pamana.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *