Dalawang matataas na lider ng teroristang CPP-NPA (CNTs) ang napatay matapos ang engkwentro sa pagitan ng mga miyembro ng Philippine Army ng 16th Infantry Battalion sa ilalim ng 402nd Infantry Brigade, laban sa mahigit kumulang pitong miyembro ng NPA sa Barangay Bal-ason, Gingoog City, Misamis Oriental nito lamang Mayo 21, 2024.

Ang naganap na engkwentro na umabot sa 10 minuto ay nagresulta sa pagkamatay ni Zaldy Galamiton, kilalang miyembro ng grupong Shaggy/Poldo, kalihim ng Sub-Regional Committee (SRC), at isa na kaanib ng Jhon-Regional Committee (SRC) Central Mindanao, bilang si Erbing, Commanding Officer ng SRSDG Eagles, isang unit gerilya ng NPA sa ilalim ng nasabing komite.

Narekober ng mga miyembro ng Philippine Army ang dalawang (2) M16 rifle, dalawang (2) bandolier na may labing-isang (11) magazine at mga bala, at isang malaking bag na may mga personal na gamit.

Ayon kay Lt. Col. Warren O Daroy, Commanding Officer, 16IB, “We extend our deepest sympathies to the families and friends of the NPA members who were killed during this operation. But we will continue our relentless operation to track down the remaining members of this NPA unit to stop the threat they continue to pose in the areas”.

Panulat ni Molinos

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *