Pinuri ng 4th Infantry (Diamond) Division, Philippine Army Commander Major General Jose Maria Cuerpo, ang agarang pagresponde ng tropa ng militar sa ulat ng mga tao, na humadlang sa masamang plano ng Communist Terrorist Group o CTG sa mga liblib na lugar ng Jabonga, Agusan del Norte at Gingoog City, Misamis Oriental nito lamang Mayo 20-21, 2024.

Sa nabanggit na operasyon, dalawang matataas na pinuno ng CTG ang napatay ng militar na sina Zaldy Galamiton alyas Shaggy/Poldo, Secretary ng Sub-Regional Committee 1 (SRC-1) at Jhonjhon Ayuma Ramos alyas Erbing, ang Commanding Officer ng SRSDG Eagles na kapwa nasa ilalim ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) sa engkwentro sa pagitan ng tropa ng 16th Infantry Battalion ng 402nd Infantry Brigade sa Misamis Oriental noong Mayo 21, 2024.

Isa pang miyembro ng CTG na si Berto Dayong alyas Sadam/Jenel, ang napatay sa labanan sa pagitan ng pwersa ng 29th Infantry Battalion ng 901st Infantry Brigade at Squad 2, Platoon 1 ng SRSDG West Land sa ilalim ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) na nangyari sa Sitio Madbad, Bangonay, Jabonga, Agusan del Norte noong Mayo 20, 2024.

Ani Major General Jose Maria Cuerpo, ang nabanggit na tagumpay ay bunga ng walang sawang pagsuporta ng taumbayan sa hukbo para sa pangmatagalang kaayusan at kapayapaan sa Agusan del Norte at Misamis Oriental.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *