Nagsagawa ng 42-araw na programa sa pagsasanay sa Agricultural Crops Production NC II para sa isang asosasyon ng DSWD Sustainable Livelihood Program (SLP) sa ilalim ng Zero Hunger ( ZH) Program, partikular ang Lindongan ZH SLPA mula sa munisipalidad ng Baroy, Lanao del Norte nito lamang ika-23 ng Mayo 2024.
Ayon kay Norayah A. Acas,Provincial Director ng TESDA- Lanao del Norte, ang pangunahing layunin ng pagsasanay na ito ay upang mabigyan ang mga kalahok ng mahahalagang kasanayan at kaalaman upang mapahusay ang kanilang mga gawi sa produksyon ng pananim.
Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng pagsasanay, napagtanto ng mga miyembro ng SLPA na magagamit nila ang mga kasanayang ito upang mapabuti ang ilang pamamaraan sa agrikultura, pataasin ang kanilang produktibidad at palakasin ang kanilang negosyo.
Sa huli ay nagpasalamat si PD Acas sa lahat ng dumalo sa nasabing aktibidad at nawa’y mapaghusay at mapagyabong pa nilang lalo ang kanilang pangkabuhayan baon ang kanilang natutunan sa 42 na araw ng pag-aaral.
Panulat ni Villanueva