Dahil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra insurhensiya ng mga kapulisan ng Lakewood Municipal Police ay tuluyan ng sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) bandang 10:35 ng umaga nito lamang ika-23 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Captain Juanito D Aballe Jr., Acting Chief of Police ng Lakewood Municipal Police Station katuwang ang Tigbao MPS, ZDSPIT RIU9 PNP-IG, ZSPIU,902nd MC-RMFB9,2nd ZSPMFC, Charlie Coy 53rd IB 1ID PA at Honorable Domingo V Mirrar, Municipal Mayor ang sumuko na si alyas “Toto”, 73 anyos, at residente ng Purok 3, Barangay Sebuguey, Lakewood, Zamboanga del Sur na isang NPSR-listed CTG supporter masa of defunct Guerilla Front KARA ng Western Mindanao Regional Party Committee.
Ang nasabing sumukong miyembro ay binigyan ng food packs at monetary gift galing sa Lakewood MPS pagkatapos ng kanyang panunumpa ng panunumbalik sa gobyerno at pinalaya na maayos ang kondisyon ng pangangatawan.
Dahil rito, hinimok pa ng mga kapulisan ang mga natitirang miyembro ng NPA na sumuko at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan silang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.
Panulat ni Kaye Francisco