Nagsagawa ng Coordinative Meeting for CY 2024 National Disaster Resilience Month ang LGU Cotabato sa Conference Hall, Amas, Kidapawan City, Cotabato nito lamang ika-31 ng Mayo 2024.
Pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagsagawa ng 1st Coordinative Meeting for CY 2024 National Disaster Resilience Month and Balik Kinaiyahan Program bilang bahagi ng paghahanda para sa naturang pagdiriwang na nakatakdang gagawin ngayong buwan ng Hulyo.

Ang naturang meeting ay dinaluhan ng kinatawan mula sa Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), Department of Education (DepEd), Bureau of Fire Protection (BFP), 602nd Brigade ng Philippine Army, Philippine Red Cross-Kidapawan City Chapter, at Municipal Environment and Natural Resources Offices mula sa 18 local government units (LGUs) ng lalawigan.

Ilan sa mga nakalatag na aktibidad sa nasabing selebrasyon ay ang Balik Kinaiyahan Program kabilang na ang tree planting activities, symposium on climate change, at Search for Outstanding Abaca Farmers with Best Farm Practices.
Isasagawa din ang 4th Governor Lala Simulation Exercise for Vehicular Accident, Fire Suppression, Earthquake, Landslide and Flooding; Reel-silience Making Contest, Poster Making Contest, bloodletting activity, at marami pang iba’t ibang mga aktibidad kaugnay ng nasabing selebrasyon.