Nakatanggap ng Financial Assistance ang mga PWDs na mag-aaral ng Akbar, Basilan sa Barangay Akbar Basilan noong ika-31 ng May 2024.
Ang programang ito ay hatid ng Kalinga at Abaka Program para sa may mga kapansanan.
Nasa kabuuang 184 na benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong pinansyal. 103 PWDs ang nakatanggap ng Php6,000 bawat isa at ang 81 benepisyaryo ay bahagi ng ABaKa Program ay tumanggap naman ng tig-Php2,000.

Layunin ng programang ito na maipabot ang tulong pinansyal sa may pinakamahirap na residente na sektor sa rehiyon ng Bangsamoro.