Huli sa operasyon ng mga awtoridad ang 20 anyos na lalaki na nag-carnap ng motorsiklo sa Kinangay Sur, Clarin, Misamis Occidental nito lamang ika-1 ng Hunyo 2024.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na isang 20 taong gulang na residente ng nasabing lugar.
Naaresto ang suspek sa isinagawang joint police operation ng Oroquieta City PNP kasama ang Provincial Highway Patrol Team – Misamis Occidental.
Sa operasyon ay narekober sa suspek ang motorsiklo na may plaka na KC99759 na pagmamay-ari ng biktima, naganap ang motornapping incident noong 7:30 ng gabi ng Mayo 31, 2024.
Nasa kustudiyo na ng mga awtoridad ang motorsiklo at ang suspek para sa tamang disposisyon.
Nananawagan naman ang mga awtoridad sa publiko na maging alisto at bantayan mabuti ang kanilang mga ari-arian upang maiwasan ang mga ganitong uri ng insidente.
Panulat ni Fajardo