Nagsagawa ng medical mission ang dating Maguindanao Peace, Meditation, Recoliation, Unification and Investigation (MPMERUIT) sa Barangay Tupig, Kaplawan noong ika-2 ng Hunyo 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng dating MPMERUIT Hadji Abdullah Hamza katuwang ang Chief of Staff ng TESDA Secretary Suharto Mangudadatu na inirepresenta ni Rahib Payapat.
Daan-daang residente ang nakabenepisyo sa naturang aktibidad na makatutulong sa pangkalusugan ng mga residente ng nasabing lugar lalo na’t ito ay nasa liblib na lugar at mahirap sa kanila ang lumuwas para magpatingin sa doktor.