Ang Zamboanga Press Club, Inc. at Radyo Pilipinas Zamboanga ay nakiisa sa Bureau of Jail Management and Penology sa pambansang pagsisimula ng ika-13 Buwan ng Community Relations Service (CRS) na may temang “Nagkakaisang Kawanihan at Pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas” kung saan nagkaroon ng Coastal Clean-up Drive na ginanap sa Zamboanga City nito lamang Hunyo 1 taong kasalukuyan.
Pinangunahan ng BJMP IX at ng Community Relations Service Office (CRSO) ang Coastal Clean-Up Drive sa R.T. Lim Boulevard, Zamboanga City.
Kabilang sa mga nakiisa sa seremonya ng pagsisimula ng ika-13 Buwan ng CRS ay ang mga miyembro ng uniformed service, mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga, mga ahensya ng rehiyon, at iba pang mga stakeholders sa lungsod.
Panulat ni JM