Ipinagkaloob ng Ministry of the Interior and Local Government ang Php53,361,000 sa lalawigan ng Lanao del Sur para sa pagpapatayo ng 20 na Barangay Hall sa buong lalawigan ng Lanao del Sur noong ika-31 ng Mayo 2024.
Ang naturang seremonya ay pinangunahan ni MILG Minister Atty. Sha Elijah Dumama-Alba at sinabi nito ang kabuaang halaga para sa proyekto para sa buong lalawigan.
Aniya, ang pondong ito ang unang tranche ng mas malaking alokasyon mula sa General Appropriations Act of the Bangsamoro (GAAB) 2023 na nakatakdang baguhin ang lokal na imprastraktura ng pamamahala sa lalawigan.
“Kami ay lubos na nagpapasalamat sa pondong ito na napakahalaga para sa pagtatayo ng mga barangay hall na ito.
Malaki ang maitutulong ng inisyatiba sa ating mga barangay officials sa pagtupad ng kanilang mga responsibilidad sa kanilang mga nasasakupan”, ani Gobernador Adiong.
Ang proyekto ay isang pundasyon ng komprehensibong plano ng BARMM para mapahusay ang lokal na pamamahala.
Ang mga bagong barangay hall na ito ay magsisilbing mga sentro para sa mga gawaing administratibo, mga pagtitipon sa komunidad, at ang pagkakaloob ng mga pampublikong serbisyo.
Ang proyektong ito ay dinisenyo upang mapadali ang mahusay na paggana ng mga opisyal ng barangay.
Ang pagtatayo ng mga bagong barangay hall ay inaasahang makapagbibigay ng mga lokal na oportunidad sa trabaho.