Nagsagawa ng Kabarangayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo (KDAPS) ang lokal na pamahalaan ng Kidapawan City sa Barangay Luvimin, Kidapawan City nito lamang ika-1 ng Hunyo 2024.
Umabot sa 763 na mga residente ng Barangay Luvimin ang nakinabang sa mga libreng serbisyong hatid ng KDAPS.
Iba’t ibang serbisyo ang naibahagi ng naturang programa katulad ng documentary and social welfare services, libreng medical check-up, pamamahagi ng libreng gamot,vitamins at libreng gupit at namahagi din ng pamimigay ng mga bag para sa mga bata.
Ikinatuwa ng mga residente ang pagbibigay ng libreng serbisyo ng City government at mga partner agencies nito.
Ito ay pagpapakita lamang na seryoso ang Lokal na Pamahalaan na mailapit pang lalo ang mga programa para sa mamamayan.